AskVic Multilingual Chatbot
Ang AskVic ay isang bagong inisyatiba mula sa Pamahalaang Victoria para suportahan ang mga multikultural na komunidad ng Victoria na ma-access ang impormasyong kailangan nila, kung kailangan nila ito.
Maaaring makapag-chat ang mga taga-Victoria sa AskVic sa sampung wika sa WhatsApp, isa sa pinakapopular na messaging app sa Australya.
Maaaring sagutin ng AskVic ang mga tanong at idirekta ang mga taga-Victoria sa higit pang impormasyon sa hanay ng mga paksa, kabilang ang:
- mga paghihigpit, mga suporta at mga pagbabakuna laban sa COVID-19
- mga trabaho at karera
- mga negosyo
- pabahay
- transportasyon
- suportang panlipunan
- edukasyon
- batas at katarungan.
Paano gagamitin ang AskVic
Para magamit ang AskVic, kailangan mong magkaroon ng WhatsApp account at WhatsApp na naka-download na sa iyong mobile phone o device.
Buksan ang WhatsApp sa iyong aparato, i-add ang 0480 032 278 sa iyong mga kontak sa WhatsApp at sabihin ang ‘kumusta’.
Contact
Para sa anumang mga tanong, mangyaring kontakin ang multicultural.communications@dffh.vic.gov.au
-
Paano namin ginagamit ang impormasyong ipinasok mo sa chatbot?
Gagamitin ang iyong mga tugon upang matulungan kaming magbigay sa iyo ng impormasyon sa iyong piniling wika tungkol sa COVID-19, transportasyon, pabahay, edukasyon, trabaho, mga karapatan sa batas at marami pa.
Ang iyong mga isinagot sa chatbot na ito ay pananatilihing kumpidensyal at hindi mo kailangang maglagay ng anumang personal na impormasyon. Hindi namin hinahangad na mangolekta ng anumang impormasyon na magpapakilala sa iyo. Ginagamit lang namin ang numero ng iyong mobile phone upang magtatag ng ligtas na koneksyon sa pamamagitan ng WhatsApp para sa layunin ng paghahatid ng serbisyo.
Ang iyong paggamit ng chatbot ay boluntaryo at malaya kang lumabas dito anumang oras, nang walang anumang kawalan sa iyo. Ang impormasyong ipinasok mo sa chatbot ay pinamamahalaan ng portfolio ng Multicultural Affairs ng Fairer Victoria sa loob ng Department of Families, Fairness and Housing (DFFH) kasama ng tulong mula sa aming mga service provider para sa pamamahala ng IT/administratibo at pag-iimbak sa cloud (cloud storage). Ang ilan sa mga cloud storage server ng aming mga provider para sa WhatsApp ay matatagpuan sa ibang bansa (pangunahin sa US). Walang impormasyon tungkol sa iyo ang gagamitin, ibabahagi o ibubunyag ng mga provider maliban kung para sa mga layunin ng pamamahala ng storage.
Ano ang mangyayari kung ikaw ay makikilala batay sa impormasyong ibinigay mo?
Kung makikilala ka dahil sa iyong mga sagot, o kung kinokolekta ng DFFH ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng chatbot na ito, hahawakan ito alinsunod sa mga kahingian ng Privacy & Data Protection Act 2014 (Vic) at ng aming Privacy Policy.
Hindi maghahangad ang DFFH na personal kang makilala mula sa anumang nakolektang impormasyon, o gagamitin ang anumang personal o impormasyong pangkalusugan para sa mga layunin ng paglalathala o pag-uulat.
Sino ang dapat kontakin kaugnay ng paggamit ng chatbot?
Gusto mo bang malaman ang higit pa kung paano pinoprotektahan ang iyong mga datos? Maaari kang makipag-ugnayan sa amin upang humiling ng access sa iyong personal na impormasyon (sa mga pagkakataon kung saan ito ay ibinigay mo), o para sa iba pang mga alalahanin tungkol sa pagkapribado ng iyong impormasyon sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa privacy@dffh.vic.gov.au.
Reviewed 14 June 2022