Victoria government logo

Victoria 2026 Commonwealth Games - (Filipino) Pilipino

Isang Commonwealth Games na walang katulad, sa isang lugar na walang kapantay

Victoria 2026

Isang Commonwealth Games na walang katulad, sa isang lugar na walang kapantay

Dahil napakaraming gagawin patungo sa Victoria 2026, tinatanong namin sa mga taga-Victoria kung paano nila gustong ipagdiwang ang kanilang Commonwealth Games. Mula sa pagiging isang manonood at nagboboluntaryo hanggang sa isang programang pangnegosyo at pangkultura, hindi magkukulang ang mga oportunidad sa Victoria 2026.

Ang Commonwealth Games ay darating sa Victoria, at hindi kami makapaghintay na salubungin ang mga atleta at bisita sa mga rehiyon ng Victoria para sa Commonwealth Games na walang kapantay.

Ang Victoria 2026 ay itatanghal sa ika-17-29 ng Marso 2026, na may apat na mga sentrong panrehiyon sa Ballarat, Bendigo, Geelong at Gippsland upang ihatid ang isang modelo ng pangmaramihang siyudad para sa mga tao sa buong Victoria.

Itatanghal ng Victoria 2026 kung ano ang mga magaganda sa ating estado at mga tao. Isusulong din nito ang lahat na maiaalay ng Regional Victoria sa buong mundo – ang pinakamasarap na mga pagkain at alak, katangi-tanging sining at kultura, at makapigil-hiningang mga tanawin.

Ang Commonwealth Games ay mag-iiwan din ng walang hanggang pamana para sa mga taga-Victoria na magpapatuloy pagkatapos ng mga paligsahan, kabilang ang pamumuhunan sa komunidad at abot-kayang pabahay at world-class na mga pasilidad ng isports na magbibigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga atleta ng Victoria.

Mga Madalas Itanong

Pangkalahatan

  • Maaari kang magrehistro para sa mga update tungkol sa Commonwealth Games, katulad ng mga pagkakataon sa pagboboluntaryo, ticketing at mga programang pangkultura.

  • Bilang kauna-unahang gagawin sa Commonwealth Games, ipapakilala ng Victoria 2026 ang isang bagong modelo ng pangmaramihang siyudad, na magdadala ng pandaigdigang isports sa apat na sentrong panrehiyon: Geelong, Bendigo, Ballarat at Gippsland.

  • Manatiling up-to-date sa lahat ng mga pinakabagong balita tungkol sa Commonwealth Games

  • Hindi pa ilalabas ang timetable para sa Victoria 2026. Mag-sign-up upang manatiling up-to-date sa pinakabagong impormasyon.

  • Ang Ballarat, Bendigo, Geelong at Gippsland ay ang bubuo sa apat na pagdarausang siyudad para sa Commonwealth Games. Sa labas ng apat na siyudad na ito, pinag-aaralan namin ang mga oportunidad para sa iba pang mga bayan ng rehiyon na makisali. .

  • Sagutan ang Business and Community Organisations – Expressions of Interest form (Form ng Pagpapahayag ng Interes - Mga Negosyo at Samahang Pangkomunidad). Maraming mga interesado sa Commonwealth Games, kaya maaaring magtatagal nang hanggang 15 araw ng negosyo bago makasagot sa iyo ang team.

  • Ang mga petsa para sa Victoria 2026 ay sa ika-17-29 ng Marso 2026. Patuloy kaming makikipagtulungan sa mga pangunahing kaganapan na kinilala na maaaring maaapektuhan ng Commonwealth Games sa kanilang pagpaplano para sa 2026.

  • Ang aming team ay nagsusumikap na bumuo ng isang plano na hikayatin ang mga paaralan at mga komunidad ng paaralan na maging bahagi ng Victoria 2026. Sundan ang aming mga social media channel, at palaging bisitahin ang aming website para sa mga update kung ang mga ito ay ilalabas.

Mga trabaho

  • Salamat sa iyong interes. Habang ang mga paghahanda para sa Commonwealth Games ay sumusulong, ang mga trabaho ay i-aanunsyo sa sandaling magkaroon ng mga available na trabaho. Mag-sign up upang manatiling up to date sa mga anunsyo ng trabaho.

Pagboboluntaryo

  • Masarap pakinggan ‘yan! Mag-sign up para sa mga update tungkol sa Commonwealth Games, kabilang ang kung kailan magkakaroon ng mga oportunidad na magboluntaryo..

Ticketing

  • Hindi pa ipinagbibili ang mga tiket, ngunit maaari kang mag-sign up para sa mga update tungkol sa Commonwealth Games, pati ang impormasyon sa paglalabas ng mga tiket.

Media

  • Salamat sa pakikipag-ugnay. Kontakin ang aming team sa commonwealthgames@sport.vic.gov.au at maaari silang tumulong sa iyong mga tanong. Mangyaring isama ang iyong pangalan, organisasyon, medium (TV, radyo, podcast, video, sa online, atbp.) at ang iyong deadline.

Isports

  • Bisitahin ang pahina ng Isports upang makita kung ano ang mga isports na kasama sa Commonwealth Games. Maaaring magdagdag pa ng mga isports sa programa.

  • Ngayong inanunsyo na ang Commonwealth Games, pinag-aaralan namin ang mga oportunidad para magdagdag ng iba pang mga isports sa programa. Isasapinal namin ang programa ng isports sa huling bahagi ng taong ito.

King's Baton Relay

  • Ang King’s Baton Relay ay isang tradisyon sa Commonwealth Games na nagdiriwang, tumatanggap at kumokonekta sa mga komunidad sa buong Commonwealth, na nagsisilbi bilang countdown sa Commonwealth Games. Ito ay isang kahanga-hangang paglalakbay sa buong mundo sa pagbisita ng Baton sa lahat ng 72 na bansa at teritoryo ng Commonwealth, na umaabot sa Africa, Americas, Caribbean, Europa, Asya at Oceania. Ang Baton mismo ay may taglay na mensahe mula sa Kamahalan, Ang Hari ng Commonwealth at mga atleta nito.

Reviewed 26 October 2022

Was this page helpful?