Sick Pay Guarantee - Tagalog video

Kung walang makukuhang kabayaran para sa may sakit, maraming taga-Victoria ang hindi magagawang magpagaling sa bahay habang may sakit.

Ngayon, makakahinga na nang maluwag ang mga kaswal at kontraktwal na manggagawa.

Dahil matutulungan ka ng Sick Pay Guarantee ng Pamahalaang Victoria

Nagbibigay sa iyo ng hanggang 38 oras ng kabayaran ng may sakit at tagapag-alaga sa isang taon.

Ang Sick Pay Guarantee ay nagbibigay ng tulong na kailangan mo, upang magpagaling sa bahay.

Alamin kung ikaw ay karapat-dapat at magpalista na ngayon sa pamamagitan ng Service Victoria app

Pinahintulutan ng Pamahalaang Victoria, Melbourne.

Updated