Ang Victorian Sick Pay Guarantee ay magbibigay sa mga kaswal at sariling amo (self-employed) na manggagawa ng 38 oras bawat taon na kabayaran ng may sakit at tagapag-alaga (sick and carer's pay) upang magamit kung sila ay magkasakit o kailangang mag-alaga ng mga mahal sa buhay. Dahil walang manggagawa ang kailangang papagpiliin sa alinman sa dalawang ito - isang araw na suweldo o kanyang kalusugan.
Ang programang pagsubok (trial program) na ito para sa mga manggagawa sa ilang partikular na mga trabahoay ganap na pinondohan ng pamahalaang Victoria hanggang sa unang bahagi ng 2024. Ang Sick Pay Guarantee ay babayaran sa pambansang minimum na pasahod na $21.38 kada oras (simula sa ika-1 ng Hulyo 2022).
Mga trabahongkasama sa trial program
Trabaho | Uri ng trabaho |
---|---|
Mga manggagawa sa hospitalidad | Nagbibigay ng mga serbisyo sa mga parokyano ng mga hotel, bar, kapihan, restoran, casino at katulad na mga Negosyo. |
Mga katulong sa paghahanda ng pagkain | Naghahanda ng pagkain sa mga negosyong fast food, tumutulong sa mga manggagawa sa pangangalakal ng pagkain at mga kawaning nagsisilbi upang maghanda at maghatid ng pagkain, naglilinis ng mga lugar kung saan naghahanda at nagsisilbi ng pagkain. |
Mga manggagawa sa pangangalakal ng pagkain | Nagluluto ng mga tinapay at pastry; naghahanda ng karne para ibenta; nagpaplano, nag-oorganisa, naghahanda at nagluluto ng pagkain para sa mga negosyo ng kainan at catering. |
Mga suportang manggagawa sa pagbebenta | Nagbibigay ng tulong sa mga retailer, wholesaler at mga kawani sa pagbebenta sa pamamagitan ng pagbabantay ng mga cash register, pagmomodelo, pag-demonstrate, pagpili, pagbili, pag-promote at pag-displey ng mga produkto. |
Mga katulong sa pagbebenta | Nagbebenta ng mga kalakal at serbisyo nang direkta sa publiko para sa mga negosyong retail at wholesale. |
Iba pang mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga ugnayan ng pinagkukunan (supply chain) ng supermarket | Kabilang ang mga manggagawa na nag-iistak sa mga istante at mga displeyan sa mga tindahan at supermarket; nagkakarga at nagdidiskarga ng kalakal mula sa mga trak at container; at nangangasiwa ng mga kalakal at kargamento. |
Mga tagapag-alaga ng matatanda at may kapansanan | Nagbibigay ng pangkalahatang tulong sa sambahayan, emosyonal na suporta, pangangalaga at pag-alalay sa mga matatanda at may kapansanan sa kanilang sariling tahanan. Maaaring kabilang sa ‘Tahanan’ ang mga pantirahang lugar gaya ng pasilidad sa pangangalaga ng matatanda, suportadong independiyenteng pamumuhay, at espesyalistang tirahan ng may-kapansanan kung saan nakatira ang isang tao. Hindi kasama dito ang hindi binabayaran na suporta sa tagapag-alaga para sa pamilya at mga kaibigan. |
Mga tagapaglinis at mga manggagawa sa laundry | Naglilinis ng mga sasakyan, komersyal, industriyal at domestikong lugar, mga construction site at mga pang-industriyang makina, at mga damit at iba pang bagay sa mga negosyong laundry at dry-cleaning. |
Mga opisyal ng seguridad at mga guwardiya | Nagbibigay ng mga serbisyong pang-seguridad at pagsisiyasat sa mga organisasyon at indibidwal, hindi kasama ang mga armoured car escort at pribadong imbestigador. |
Tingnan ang buong listahan ng nararapat na mga .
Ako ba ay marapat?
Upang maging marapat para sa Sick Pay Guarantee, kailangang:
- May karapatan kang magtrabaho sa Australya
- Ikaw ay 15 taong gulang o mas matanda
- Nagtatrabaho ng karaniwang 7.6 na oras o mahigit pa bawat linggo
- Walang nakukuhang taunang may bayad, personal na bakasyon, bakasyon ng may sakit o tagapag-alaga sa alinman sa iyong mga trabaho
- Magtrabaho sa Victoria
- Magtrabaho sa isa sa mga trabahong nakalista sa itaas.
Ang mga pansamantalang residente, permanenteng residente, may hawak na visa at mga tao mula sa New Zealand ay maaaring makilahok sa trial program kung natutugunan mo ang mga pamantayan sa pagiging marapat, kabilang ang pagkakaroon ng karapatang magtrabaho sa Australya.
Mag-sign up ngayon
Maaari kang mag-sign up para sa Sick Pay Guarantee sa pamamagitan ng Service .
Kailangan mong mag-sign up at maaprubahan bago ka makakapag-claim ng kabayaran sa may sakit o tagapag-alaga.
Habang nasa pag-aaplay sa online, hihilingin namin sa iyo na magbigay ng:
- dalawang pang-ID na dokumento
- isang dokumentong nagpapatunay ng trabaho
- ang iyong mga detalye ng bangko.
Kung wala kang dalawang uri ng ID at hindi ka mamamayan o permanenteng residente ng Australya, magbigay ng isang uri ng ID. Sa pangalawang "Choose your ID screen" maaari mong piliin ang "I don't have this".
Alamin pa ang tungkol sa ID at patunay ng mga dokumento ng .
Makipag-ugnayan sa amin
Victorian Sick Pay Guarantee
Email: sickpayguarantee@ecodev.vic.gov.au
Translating and Interpreting Service : Tumawag sa 131 450 at hilingin ang Victorian Sick Pay Guarantee
Reviewed 17 October 2022