Tandaan: Ang karagdagang impormasyon sa pahinang ito ay isinulat sa Ingles.
Mas mabilis kang makakalipat sa bagong tahanan na mas abot-kaya at dekalidad ang pagkakagawa

Suporta para sa mga unang beses na bumibili ng bahay (first home buyers)
Tinutulungan ka naming mabuksan ang pintuan ng iyong unang bahay sa pamamagitan ng $10,000 First Home Owner Grant at pagtanggal para sa mga first home buyer ng stamp duty na nagkakahalaga ng $600,000 o mas mababa.

Babawasan ang mga gastos ng pagbili ng off-the-plan na bahay
Binabaan namin ang stamp duty sa mga off-the-plan na apartment at townhouse upang mabawasan ang gastos sa simula, mapabilis ang pagpapatayo, at gawing mas abot-kaya ang pagbili ng off-the-plan na bahay.
Madaling puntahang mga lokasyon: mga pangunahing reporma
Ang programa ng mga activity centre
Hinihikayat naming magtayo ng mas maraming bagong tahanan malapit sa mga tren, tram, trabaho at iba pang mga serbisyo.
Pagpapasimple ng paghahati ng lupa
Mas pinapadali namin ang pagdagdag ng pangalawang bahay, pagtatayo ng dalawang bagong tahanan, o paghahati ng lote.
Mas maraming tahanan para sa pamumuhay sa mga rehiyon
Nagtatayo kami ng madaling puntahang mga komunidad sa mga malalayong rehiyon na may mahusay na imprastraktura, mga serbisyo, at mga berdeng espasyo.
Greenfield na plano para sa mga pampamilyang tahanan
Ang amingpara magtayo ng mga bagong suburb at mga tahanan na may sariling bakuran.
Pagbebenta ng hindi ginagamit na lupa ng pamahalaan
Nire-rezone at dini-develop ang mga lupang hindi na kailangan ng pamahalaan.
Mas maraming mga parke at berdeng espasyo
Ginagawa naming mga berdeng espasyo ang mga lupang hindi nagagamit nang husto para sa kasiyahan ng lahat.
Mas abot-kayang pabahay: mga pangunahing reporma
Awtomatikong pag-apruba para sa mga townhouse at mga apartment na may katamtamang laki
Mabilis na pag-apruba para sa mga planong tumutugon sa mga na-update na pamantayan sa disenyo para sa mabuting pag-unlad.
Pagpapabilis ng mga planning permit
Ina-update namin ang mga patakaran at polisiya upang matulungan ang mga konseho sa mas mahusay at mas mabilis na mga desisyon sa pagpaplano.
Mas pinadaling pagtayo ng granny flat
Hindi na kailangan ng planning permit upang magtayo ng maliit na pangalawang bahay sa iyong lote.
Mas matalinong disenyo ng tahanan sa maliliit na lote
Mas marami ka na ngayong maitatayo sa 100 metro kuwadrado nang hindi na kailangan ng permit.
Mas mabilis na mga koneksyon sa tubig at kuryente
Mabilis ka naming maikokonekta sa tubig at kuryente para mas maaga kang makalipat sa iyong bagong tahanan.
Pagtatayo ng mga dekalidad na tahanan: mga pangunahing reporma
Nire-reporma namin ang sistema ng pagpapatayo ng gusali sa Victoria upang unahin ang mga tao, panagutin ang mga builder, at matiyak na ang mga tahanan ay itinayo upang tumagal.
Ang Home Warranty Insurance
Dapat na ngayong bumili ang mga builder ng bagong Home Warranty Insurance para sa mga kwalipikadong proyekto, na nagbibigay ng higit na proteksyon.
Pagpapanagot sa mga builder at developer
Bagong kapangyarihan upang obligahin ang mga builder, subcontractor, at developer na kumpunihin ang mga depekto sa kanilang ginawang konstruksyon.
Isang manwal para sa bawat bagong apartment
Isang panghabambuhay na talang naglalaman ng mga detalye tungkol sa konstruksyon, renovation, at maintenance ng iyong apartment.
Pagpapatayo ng mga bahay na maaasahan at may maayos na disenyo
Malinaw na mga bagong pamantayan upang matiyak na ang mga tahanan ay komportable, likas-kaya, at tumutugon sa iyong mga pangangailangan.
Bagong sistema ng bond para sa mga builder ng apartment
Dapat magbayad ang mga developer ng bond sa regulator. Maaaring gamitin ang perang ito upang ayusin ang mga depektibong gawa sa konstruksyon.
Updated







