JavaScript is required

Ano ang Savings Finder? (What is the Savings Finder?) - Tagalog (Tagalog)

Ang Savings Finder ay kagamitan na inaalay ng Pamahalaang Victoria upang makatulong sa madali at simpleng pagkakaunawa mo tungkol sa mga rebate, diskwento at natitipid na pera na maaari mong magamit. Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang mga katanungan tungkol sa iyo, makakatanggap ka ng listahan ng mga maaaring katipiran sa enerhiya, kalusugan, eduksyon, transportasyon, pamilya at marami pa.

Paano gamitin ang Savings Finder

  1. Puntahan ang kagamitang Savings Finder sa website ng Service Victoria o app
  2. Sagutin ang ilang mga madaling katanungan: ang kagamitang Savings Finder ay magtatanong ng mga sumusunod upang malaman nito ang iyong kalagayan:
    1. Ilang taon ka na?
    2. Ikaw ba ang nag-aaruga (responsable) ng mga anak o iba pang dependiyente?
    3. Ikaw ba ay kasalukuyang nag-aaral o may planong mag-aral? O ang isa sa mga anak o dependiyente ay kasalukuyang nag-aaral?
    4. Ikaw ba ay interesado na malaman ang mga posibleng benepisyo at katipiran para sa iyong kalusugan at kapakanan?
    5. Ikaw ba nagbabayad ng alinman sa mga sumusunod na bayarin o gastusin?
    6. Ano ang mga karaniwan mong ginagamit na transportasyon?
    7. Ikaw ba ay naghahanap na bumili ng iyong unang bahay o may isa sa mga sumusunod na paggagastusan?
    8. Mayroon ka bang anumang mga concession o pension cards?
  3. Makakatanggap ng iyong resulta: ang pagsasabi ng ilang mga detalye tungkol sa iyo ay makakatulong sa amin sa magsabi kung anu-ano ang mga nararapat sa iyo.
  4. Opsyon sa pagtatago ng iyong mga resulta: mag-email sa sarili upang mayroon kang mababalikan sa ano mang oras na listahan ng mga natipid.

Libreng tulong sa iyong wika

Upang makagamit na interpreter na makakatulong sa iyo sa paggamit ng Savings Finder gamit ang sariling wika, mangyari pong tawagan ang isa sa mga numero sa ibaba:

Tagalog – 03 9280 3118

Basahin ang mga natipid, benepisyo at rebate

Enerhiya at mga kagamitan 

Makakuha ka ng diskwento sa iyong bayarin sa kuryente, gas at tubig.

Transportasyon

Tingnan kung kayo ay kwalipikado para sa mas murang pampublikong transportasyon at paglisensya (rego) ng kotse.

Kalusugan at kapakanan

Alagaan ang sarili sa pamamagitan ng mga diskwento sa pagka-alaga ng kalusugan at mga libreng programang pangkalusugan.

Mga matatanda/senyor

May matitipid kada araw ang mga mas matandang Australyano at pensyonado.

Tahanan

Maghanap ng mga programang makakatulong sa iyo na mapaganda at mamentena ang iyong tirahan.

Pamilya

Tingnan ang mga programa na makakatulong sa pagka-alaga ng iyong pamilya.

Edukasyon

Mag-aplay upang mabawasan ang mga bayad sa paaralan, uniporme at iba pang gastusin.

Libangan at paglilibang

Magpakasaya ng mas mura sa pamamagitan ng mga diskwento (deals) sa kainan at aliwan.

Updated