Ano ang Servo Saver?
Ang Servo Saver ay isang mahalagang bahagi ng Service Victoria app.
Pinapayagan ka nito na maghambing sa mga presyo ng gasolina na malapit sa iyo at sa buong Victoria.
Sinimulang ipatupad ng Pamahalaan ng Victoria ang mga bagong batas upang makahanap ang mga tsuper ng napapanahong mga presyo ng gasolina.
Nangangahulugan ito na ang mga gasolinahan (service station) sa Victoria ay dapat na ipagbigay-alam ang kanilang mga presyo ng gasolina sa Service Victoria kapag nagpapalit sila.
Ang mga gasolinahan ay dapat ring ipagbigay-alam ang pinakamataas na presyo ng gasolina na binabalak nilang singilin sa susunod na araw (na tinatawag na price cap).
Gamitin ang Servo Saver bago ka aalis ng bahay upang makapagplano nang maaga at makatipid ng pera.
Ayon sa batas, ang Servo Saver lamang ang kagamitan sa paghahambing ng gasolina na dapat gawing napapanahon ng mga gasolinahan.
I-scan ang QR code upang makuha ang Service Victoria app
YMaaari mo ring i-download ang app sa pamamagitan ng Apple App Store (external link)(opens in a new window) o sa Google Play (external link)(opens in a new window) para sa Android.
Pag-unawa sa mga fuel price cap
Libreng tulong sa iyong wika
Tawagan ang numero sa ibaba upang makipag-usap sa isang tagapagsalin ng iyong wika. Maaari ka nilang tulungan na i-download ang Service Victoria app.
Tagalog – 03 9280 3118
Katumpakan at pag-uulat sa mga isyu
Updated
