Kalahating presyo na ang pampublikong transportasyon para sa lahat (Public transport now half price for everyone) - Tagalog (Tagalog)

Ang kalahating presyo na ang pampublikong transportasyon para sa lahat sa buong estado, araw-araw, mula Lunes, mula Lunes, Hunyo 1, 2026 hanggang Enero 1, 2027.

Sa panahong ito, ang pinakamataas na presyo ng Full Fare daily travel na $11.40 ay magiging $5.70, habang ang concession fares ay babagsak mula $5.70 papunta sa $2.85, na naghahatid ng agarang tulong sa gastos ng pamumuhay.

Ang diskwento ay para sa paglalakbay sa lahat ng mga tren, mga tram at mga bus; at mga rehiyonal na mga tren, coaches at mga bus (pati na ang mga intertown at regional town bus services). Hindi kasama dito ang SkyBus, mga ferry, at mga walang subsidiya na mga rehiyonal ng serbisyo ng mga bus.

Ang may diskwentong paglalakbay ay para sa lahat sa buong Victoria, kasama ang mga may hawak na concession (tulad ng mga mga mag-aaral at mga senior), kung saan ang kanilang dating may diskwento na mga pamasahe ay mababawasan muli ng kalahati.

Upang magamit ang diskwento, maaari pa ring mag-tap on ang mga pasahero gaya ng dati, at ang pamasahe ay awtomatikong makalkula sa kalahating presyo.

Ang mga bata at mga kabataan na wala pang 18 taong gulang ay maaaring magpatuloy na maglakbay nang libre gamit ang kanilang Youth myki, at ang mga senior ay maaaring maglakbay nang libre sa mga weekend.

V/Line at mga serbisyong rehiyonal

Ang mga booking at mga seat reservation ay muling magsisimula mula Lunes, Hunyo 1, 2026, sa kalahating presyo.

Ang mga group travel booking ay maaari ring magawa sa may diskwentong presyo.

Ang mga regional coach ticket ay maaaring ipareserba sa mga may kawani na regional at metropolitan na istasyon ng tren pati na rin sa mga V/Line booking agent.

Kung nakapag-book ka na para sa paglalakbay pagkatapos ng Hunyo 1, 2026, maaari kang maaaring mag-apply para sa partial refund online sa pamamagitan ng pagkumpleto ng customer feedback form sa vline.com.au/contact-us(opens in a new window) o bumisita sa isang istasyong may kawani.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Transport Victoria.

Updated