Rebate sa rehistrasyon (Rego rebate) Tagalog

Bawiin ang 20% sa pagparehistro ng inyong sasakyan

Ang mga may-ari ng sasakyan sa Victoria ay maaari nang mag-aplay para sa isang 20% na rebate (pagbawi ng ibinayad) sa pagparehistro ng kanilang sasakyan.

Magbubukas ang mga aplikasyon sa ika-1 ng Hunyo at magsasara sa ika-31 ng Hulyo 2026.

Ang rebate ay nalalapat sa mga kwalipikadong pagparehistro ng sasakyan sa 2025–2026 na taong pinansyal.

Maaari kang mag-apply sa pamamagitan ng Service Victoria app o website.

Bago ka mag-aplay

Kailangan mo ng:

  • iyong numero ng rehistrasyon ng sasakyan
  • iyong numero ng lisensya ng pagmamaneho sa Victoria o numero ng kostumer sa VicRoads
  • iyong buong pangalan
  • iyong mga detalye ng bank account (BSB at account number)

Babayaran ang rebate sa iyong bank account.

Hakbang 1: Gumawa ng isang Service Victoria account

Dapat na mayroon kang isang Service Victoria account bago ka maaaring mag-aplay para sa rebate.

Maaari kang gumawa ng isang account sa:

  • website ng Service Victoria
  • Service Victoria app ng iyong telepono

Upang gumawa ng isang account:

  1. Magpunta sa service.vic.gov.au/account
  2. Ilagay ang iyong email address, (mga) pangalan at apelyido
  3. Sundin ang mga hakbang upang ilagay ang security code na ipinadala sa iyong email
  4. Gumawa ng isang 6-digit na password upang protektahan ang iyong account
  5. Mag-log in gamit ang iyong email at password

Ihanda ang mga detalyeng ito:

  • iyong numero ng rehistrasyon
  • iyong numero ng lisensya sa pagmamaneho sa Victoria o numero ng kostumer sa VicRoads
  • iyong mga detalye ng banko

Hakbang 2: Mag-aplay para sa rebate

Pagkatapos kang makagawa ng iyong account:

  1. Buksan ang Service Victoria app at pindutin ang ‘20% off rego’, o bisitahin ang service.vic.gov.au/rego-rebate.
  2. Pindutin ang ‘Get started’.
  3. Tingnan kung maaari kang mag-apply sa pamamagitan ng pagpili ng iyong uri ng sasakyan at paglagay ng iyong numero ng rehistrasyon.
  4. Ilagay ang iyong buong pangalan at numero ng lisensya ng pagmamaneho sa Victoria o numero ng kostumer sa VicRoads.
  5. Ilagay ang iyong mga detalye ng banko. Babayaran ang rebate sa account na ito.
  6. Repasuhin ang iyong mga detalye at pindutin ang ‘Submit’.

Makakatanggap ka ng isang email na kumukumpirma na natanggap namin ang iyong aplikasyon.

Kung hindi mo pa nabayaran ang iyong pagparehistro ng sasakyan para sa 2025-26, susuriin ang iyong aplikasyon pagkatapos na maproseso ng VicRoads ang iyong bayad sa pagpaparehistro.

Sino ang maaaring makapag-aplay?

Maaari kang mag-aplay ng hanggang sa 2 kwalpikadong sasakyan na nakarehistro sa iyong pangalan.

Kabilang sa mga karapat-dapat na mga sasakyan ang:

  • mga kotse
  • mga wagon
  • mga motorsiklo
  • mga ute
  • mga light van

Ang mga sasakyan na nakarehistro sa mga negosyo o mga organisasyon ay hindi kwalipikado.

Mahalagang impormasyon

Dapat mong bayaran ang iyong rehistrasyon ng sasakyan sa pamamagitan ng VicRoads bago mag-aplay para sa rebate sa pamamagitan ng Service Victoria.

Kung babayaran mo ang iyong rehistrasyon sa pamamagitan ng hulugan (instalments), maaari ka pa ring mag-aplay para sa rebate, kahit ang iyong huling bayad sa hulugan ay kailangang bayaran pagkatapos ng Hulyo 2026.

Hindi mo maaaring makuha ang rebate kung ang iyong pagpapanibago ng rehistrasyon (registration renewal) ay para sa bagong taong pinansyal na magsisimula pagkatapos ng ika-1 ng Hulyo 2026.

Gaano katagal bago matanggap ang rebate?

Gagawin ang mga kabayaran sa pamamagitan ng direct bank transfer.

Karamihan sa mga kabayaran ay ipoproseso sa loob ng 30 araw.

If you paid your registration recently, your application may take longer than 30 days because your information is being updated.

Pagpasensyahan na po ninyo.

Kailangan ng tulong?

May iba’t-ibang paraan upang magpatulong.

Tulong sa iyong wika

Tumawag sa 03 9280 3118 upang makipag-usap sa isang tagapagsalin sa Tagalog.

Ang isang tagapagsalin ay maaaring tumulong sa iyo na:

  • mag-download ng Service Victoria app
  • gumawa ng isang Service Victoria account
  • intindihin ang mga hakbang sa pag-aplay ng rebate
  • mag-aplay online

Maaari mo ring hilingin ang isang taong pinagkakatiwalaan mo na tulungan kang mag-aplay.

Tulong sa online

Maaari kang magpadala sa amin ng isang mensahe sa anumang oras sa service.vic.gov.au/message

Iba pang suporta

Bisitahin ang Get help applying for the vehicle registration rebate para sa iba pang mga opsyon ng suporta.

Mag-aplay na

Magsasara ang mga aplikasyon sa ika-31 ng Hulyo 2026.

Tingnan ang iyong pagiging karapat-dapat at isumite ang iyong aplikasyon sa: service.vic.gov.au/rego-rebate

I-scan ang QR code upang i-download ang Service Victoria app sa iyong telepono.

Updated