Ang Pamahalaang Victoria ay namumuhunan ng halos $5 bilyon sa loob ng isang dekada upang ipakilala ang pinondohang Three-Year-Old Kindergarten - at magagamit na ito sa buong estado.
Nangangahulugan ito ng isa pang taon ng pag-aaral, pag-unlad, paglalaro at pakikipagkaibigan para sa lahat ng mga batang Victoria.
Ang pakikilahok sa isang may kalidad na programang kindergarten mula sa edad na tatlo ay nagpapalakas sa mga kalalabasan ng pagkatuto, pag-unlad, kalusugan at kagalingan ng mga bata.
Natututunan ng maliliit na bata ang tungkol sa kanilang paligid sa pamamagitan ng paglalaro
Ang pagkatuto na nakabatay sa paglalaro ang pinakamahusay na paraan ng pagkatuto ng mga bata. Binibigyan nito ang mga bata ng pagkakataong gamitin ang kanilang imahinasyon, patatagin ang kanilang mga kasanayan sa wika at matutunan ang tungkol sa mga numero at pattern. Natutunan din nila kung paano makisama sa iba, magbahagi, makinig at pamahalaan ang kanilang damdamin.
Lahat ng mga bata sa Victoria ay may access sa dalawang taon na pinondohang Kindergarten
Ang mga bata sa buong estado ay makikinabang simula 2022 na may access sa hindi bababa sa limang oras ng pinondohang programang kindergarten bawat linggo. Ang mga oras ay magiging 15 oras sa isang linggo sa 2029.
Saanmang kindergarten pumapasok ang iyong anak, ang mga guro at bihasang mga tagapagturo ang mamumuno sa programa
Ang mga bata ay maaaring dumalo sa programang kindergarten sa serbisyong long day care (childcare) o sa standalone na kindergarten.
Matututunan ng maliliit na bata ang tungkol sa mundo sa pamamagitan ng paglalaro
Natututo silang makisama sa iba, magbahagi, makinig, at pamahalaan ang kanilang damdamin
Sa programang kindergarten, ginagamit ng mga bata ang paglalaro upang patatagin ang kanilang kasanayan sa wika at matutunan ang tungkol sa mga numero at pattern
Ang mga guro at tagapagturo ay tumutulong sa mga bata na maging mausisa, malikhain at matiwala sa pag-aaral
-
- Mga Standalone na Kindergarten
- Mga Programang Kindergarten - Ang mga bata ay dumadalo sa programang kindergarten sa mga itinakdang araw at oras
- Mga Serbisyong Long Day Care
- Mga Programang Kindergarten - Ang mga bata ay dumadalo sa programang kindergarten bilang bahagi ng kanilang oras sa long day care
- Edukasyon at Pangangalaga - Ang mga serbisyong Long day Care ay nag-aalok ng edukasyon sa maagang pagkabata at pag-aalaga sa mga batang nasa pagitan ng 0 at 6 na taon
Lahat ng mga pinondohang programa ng kindergarten ay dapat tumugon sa mga patnubay ng pamahalaan sa kaligtasan at kalidad at binuo alinsunod sa Victorian Early Ang isang long day care centre ay maaaring mag-alok ng isang buong araw na edukasyon at pangangalaga, kabilang ang programang kindergarten. Ang programang kindergarten na pinamumunuan ng guro ay isinama sa karagdagang oras ng edukasyon at pangangalaga. Sa isang standalone na serbisyo, ang programang kindergarten ay tatakbo lamang sa ilang mga araw at sa mga partikular na oras. Ang mga araw at oras na ito ay itinakda ng serbisyo ng kindergarten.
Ang pagpapasya kung saan ipapadala ang iyong anak ay maaaring nakasalalay sa mga serbisyong makukuha sa inyong komunidad, at kung ano ang pinakamahusay na gumagana para sa iyong pamilya at anak
- Mga Standalone na Kindergarten
-
Makipag-usap sa inyong lokal na serbisyo ng kindergarten tungkol sa kanilang proseso sa pagpapatala at mga takdang oras, at bisitahin ang kanilang sentro at kawani. Upang mahanap ang inyong lokal na kindergarten at para sa impormasyon kung paano pipili ng tamang serbisyo para sa iyong pamilya, bisitahin ang: How to choose a kindergarten
Ang pagpili ng may kalidad na serbisyo ng kindergarten ay sisiguro na mapapakinabangan ng isang bata ang kaniyang oras sa kindergarten. Maaari kang tumingin sa mga marka ng kalidad ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbisita sa :
-
Karamihan sa mga serbisyo ay may proseso ng pagpapatala na magbubukas sa taon bago magsimula ang bata sa programang kindergarten, kaya dapat mong isipin ang tungkol sa pagpapatala kapag ang iyong anak ay naging dalawang taong gulang na.
Maaaring pumili ang mga pamilya at tagapag-alaga na may mga anak na ipinanganak sa pagitan ng Enero at Abril kung aling taon sisimulan ang panlahatang pinondohang Three-Year-Old Kindergarten. Maaaring piliin ng mga pamilya para sa kanilang mga anak na dumalo sa susunod na taon upang umayon sa edad ng pagsisimula sa paaralan, habang ang ibang mga bata ay mag-dadalawang taong gulang kapag nagsimula.
Ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng 1 Enero at 30 Abril ay marapat na dumalo sa Three-Year-Old Kindergarten sa taon na magiging tatlong taong gulang siya o sa taon na magiging apat na taong gulang siya.
Ang mga bata ay maaaring hindi makadalo kung wala pa silang tatlong taong gulang sa mga programa kung saan hindi makatupad ang serbisyo sa ratio ng tagapagturo sa bata para sa mga batang may edad na dalawang taong gulang.
Ang mga batang ipinanganak sa pagitan ng 1 Mayo at 31 Disyembre ay marapat lamang na dumalo sa Three-Year-Old Kindergarten sa taon na magiging apat na taong gulang sila at Four-Year-Old Kindergarten sa taon na magiging limang taong gulang na sila.
-
Petsa kung kailan ipinanganak ang bata Mga Komento 2020 2021 2022 2023 2024 Ika-21 ng Disyembre 2016 hanggang ika-30 ng Abril 2017
Ang mga pamilya ay makakapili ng pagsisimula sa paaralan sa 2022 o sa 2023
3-Year-Old
Kindergarten4-Year-Old
KindergartenPrep Grade 1 Grade 2 3-Year-Old
Kindergarten
4-Year-Old
Kindergarten
Prep Grade 1 Ika-1 ng Mayo hanggang ika-20 ng Disyembre 2017* 3-Year-Old
Kindergarten
4-Year-Old
Kindergarten
Prep Grade 1 Ika-21 ng Disyembre 2017 hanggang ika-30 ng Abril 2018 Ang mga pamilya ay makakapili ng pagsisimula sa paaralan sa 2023 o sa 2024 3-Year-Old
Kindergarten
4-Year-Old
Kindergarten
Prep Grade 1 3-Year-Old
Kindergarten
4-Year-Old
Kindergarten
Prep
Ika-1 ng Mayo hanggang ika-20 ng Disyembre 2018* 3-Year-Old
Kindergarten
4-Year-Old
Kindergarten
Prep * Ang petsa sa Disyembre ang pangwakas na Term 4 sa pampamahalaang paaralan. Dapat ba na ang paaralang napili ng isang pamilya ay may mas maagang huling araw ng Term 4, kung gayon dapat gamitin ang petsang iyon.
-
- Ang iyong lokal na serbisyo o provider ng kindergarten, kabilang ang serbisyong long day care
- Ang iyong lokal na konseho o nars para sa kalusugan ng ina at anak
- Tumawag sa Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health - DH) Parentline sa 13 22 89
- Mag-email sa 3yo.kindergarten@education.vic.gov.au
Bisitahin ang: Three-Year-Old Kindergarten
Reviewed 07 February 2022