Victoria government logo

2022 Pagbawi mula sa Baha sa Victoria (Victorian Flood Recovery) - Tagalog

Suporta sa pagbawi para sa mga tao at komunidad na naapektuhan ng mga baha sa Victoria nitong 2022.

Hotline para sa Pagbawi mula sa Baha (Flood Recovery Hotline)

Tawagan ang Flood Recovery Hotline sa 1800 560 760 upang matulungan ka sa:

  • isang hanay ng mga serbisyo sa paglilinis
  • paghahanap ng lugar na matutuluyan
  • pampinansya, pangkalusugang pangkaisipan at ibang mga suporta.

Pindutin ang 9 para sa interpreter.

Tumawag sa 1800 560 760

Programa sa paglilinis

Ang programa sa paglilinis ay nakalaan para sa lahat na naapektuhan ng mga baha. Hindi mahalaga kung ang isang gusali ay hindi nakaseguro.

Kabilang sa programa ang:

  • libreng pagsusuri sa istruktura ng mga apektadong mga ari-arian at negosyo
  • pagtanggal ng basura sa kalye.

Pagsusuri sa istruktura

Ang mga apektadong residente o may-ari ng maliliit na negosyo ay maaaring magparehistro para sa mga pagsusuri ng istruktura kung saan ang mga ari-arian ay nasalanta o nawasak ng mga baha.

Pagkaraan mong magrehistro, makatatanggap ka ng tawag sa telepono mula sa Emergency Recovery Victoria para iproseso ang iyong rehistrasyon.

Magparehistro para sa pagsusuri ng istruktura

Pagtanggal ng mga latak sa kalye

Kami'y nakikipagtrabaho sa mga lokal na konseho para kumulekta ng mga basura ng baha mula sa mga harapan ng mga bahay. Ang pagtanggal ng basura ng baha ay sisigurong ang basura ay maitatapon nang tama.

Para sa dagdag na impormasyon bisitahin ang lokal na konsehoExternal Link

Kasama sa mga tatanggaling basura ang:

  • mga karpet, whitegoods, nasirang mga kabitan (fixtures) at kasangkapan at ibang mga kagamitang pambahay
  • mga kagamitang panluto at mga materyal at gamit sa negosyo
  • mga likido at mga basurang materyales (naka-bag, naka-kahon o nakapaloob)
  • pagkain at organikong basura (nakapaloob).

Mangyaring ihiwalay ang mga bagay, kung maaari, at iwan sila sa harapan ng bahay na handa na para sa pagkolekta.

Kasama sa mga basurang hindi tatanggalin ang:

  • mga labi ng hayop
  • kotse, bangka, caravan at mga tangke ng tubig-ulan na mahigit sa 2,000 litro
  • kilalang mga materyales na mapanganib

Hindi kami papasok sa mga bahay para kumolekta ng basura. Ang Environmental Protection Agency (EPA)External Link at WorkSafeExternal Link ang mangangasiwa ng lahat ng pagtatapon ng mga basura.

Pansamantalang tirahan

Ang pansamantalang mga tirahan ay nakalaan para sa mga taong hindi maaaring manatili sa kanilang mga tahanan dahil sa baha.

Tawagan ang Flood Recovery Hotline sa 1800 560 760 upang maihanap kayo ng pansamantalang tirahan na pinaka-angkop sa inyong mga pangangailangan.

Pansamantalang tirahan: Rochester

Ang mga lokal mula sa Rochester ay makakakuha ng pansamantalang tirahan at suporta sa Elmore Events Centre (Elmore Fields Days site) sa 48 Rosaia Road, Burnewang VIC 3558. Ang lugar ay konektado sa elektrisidad at paagusan ng tubig. Kailangan ang pagpaparehistro. Hinihikayat ang lahat na mula sa Rochester na nangangailangan ng pansamantalang tirahan na magparehistro ng kanilang interes sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng Rochester Community Hub na matatagpuan sa Rochester Recreation Reserve Room. Para sa dagdag na impormasyon bisitahin ang Relief update for sa komunidad ng Rochester

Tirahang pang-emerhensya: Mickleham

Ang Centre for National Resilience sa Mickleham ay nagbibigay ng tirahang pang-emerhensya para sa mga taong hindi makababalik sa kanilang mga tahanan. Upang magpatala sa centre, tumawag sa Flood Recovery Hotline sa 1800 560 760 o bisitahin ang iyong lokal na pang-emerhensyang relief centre. Hindi ka pahihintulutang pumunta nang direkta sa Centre for National Resilience.

May mga nakalaang tirahan para sa mga taong hindi angkop ang centre, kabilang ang mga otel, caravan park o sineserbisyuhang apartment. Ikaw ay hahanapan ng pinaka-angkop na pansamantalang tirahan para sa iyong mga pangangailangan kung kokontak ka sa Flood Recovery Hotline.

Para sa dagdag na impormasyon, bumisita sa Centre of National Resilience in Mickleham

Pansamantalang tirahan: Greater Shepparton

Ang suportang madalian at pangmaikliang panahon ay nakalaan sa mga residente ng Greater Shepparton na lubhang naapektuhan ng mga baha sa Victoria nitong 2022. Magtanong at irehistro ang iyong interes sa Community Recovery Hub sa 132 Welsford Street, Shepparton. Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin ang Pansamantalang Tirahan sa Greater Shepparton

Kumuha ng tulong

Pampinansyang suporta

Mga kabayaran, mga pondong gawad at pampinansyang tulong para sa mga tao o negosyong naapektuhan ng mga baha sa Victoria nitong 2022.

Para sa mga kasapi ng komunidad

Kabayarang Pang-emerhensya sa Pagbawi

Ang kabayaran ay para sa kagyat na ginhawa, kasama ang para sa pagkain, tirahan, damit, gamot at tirahan.

Mag-apply dito: Emergency relief assistance payment – Online application formExternal Link o tumawag sa 1800 560 760 at pindutin ang 9 para sa interpreter.

Tulong sa pagtatayong-muli

Kung ang iyong tahanan ay nasalanta, nawasak o hindi ka makapasok sa iyong tahanan nang mahigit sa 7 araw dahil sa baha, may nakalaang tulong sa pagtatayong-muli.

Mag-apply sa pamamagitan ng pagtawag sa Flood Recovery Hotline sa 1800 560 760 (pindutin ang 9 para sa isang interpreter).

Panggastos mula sa Gobyerno ng Australya para sa Pagbawi mula sa Kalamidad

Kung ikaw ay nawalan ng kita bilang direktang resulta ng mga baha, may nakalaang patuloy na kabayaran.

Mag-apply dito: Victorian Floods, October 2022 – Disaster Recovery AllowanceExternal Link

Kabayaran mula sa Gobyerno ng Australya para sa Pagbawi mula sa Kalamidad

May laang kabayaran upang tulungan ang mga taong seryosong naapektuhan ng mga baha sa Victoria.

Mag-apply dito: Victorian Floods, October 2022 – Australian Government Disaster Recovery PaymentExternal Link o tumawag sa 1800 560 760 at pindutin ang 9 para sa interpreter.

Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin ang aming Pahina para sa Pampinansyang Tulong (Financial Support page)External Link

Para sa mga estudyante

Maaaring mag-rehistro ng kahilingan para sa suporta ang mga pamilya ng mga estudyante ng mga paaralan sa Victoria o mga estudyanteng naninirahan nang malayo sa kanilang mga pamilya. Kasama sa suporta ang pagpapalit ng mga importanteng gamit sa paaralan (tulad ng mga uniporme, laptop, internet dongle at mga gamit panulat) na nawala o nasira sa mga baha.

Upang magrehistro, pumunta sa Flood Support Application Form for Victorian school studentsExternal Link o tumawag sa 1800 560 760 at pindutin ang 9 para sa interpreter.

Para sa mga magsasaka at Primerang mga tagagawa (producer)

Ang pagbawi ng mga Primerang Tagagawa mula sa baha (Primary Producer flood recovery) ay tutulong sa mga gastusin sa paglilinis at pagbawi ng mga gastusin ng mga primerang tagagawa na nakaranas ng direktang pagkawala o pagkasalanta bilang direktang resulta ng mga baha.

Para sa dagdag na impormasyon, bumisita sa Victorian Primary Producer Flood Recovery PackageExternal Link o tumawag sa 1800 560 760 at pindutin ang 9 para sa interpreter.

Para sa negosyo at isport na pang-komunidad

Pondong gawad sa mga maliliit na negosyo

Ang mga pondong gawad sa mga negosyo at isport na pang-komunidad ay tutulong sa mga karapat-dapat na organisasyon upang matugunan ang mga gastusing bunga ng salantang dinulot sa mga ari-arian, mga asset o kagamitan. Para sa dagdag na impormasyon, bumisita sa Business and Community Sport Flood Recovery GrantsExternal Link .

Suporta sa kagalingan

Normal na makaranas ng mga negatibong reaksyon pagkaraan ng emerhensya. Mayroong tulong para sa iyo at sa iyong pamilya.

Narito ang ilan sa mga serbisyong pangkagalingan na maaari mong kunin:

  • Bisitahin ang LifelineExternal Link – o tumawag sa 13 11 14 – para sa tulong pangkrisis na nakalaan 24/7 sa pamamagitan ng telepono, text o pakikipag-usap sa online
  • Bisitahin ang ParentlineExternal Link o tumawag sa 13 22 89 – tulong para sa mga magulang at tagapag-alaga
  • Bisitahin ang Kids HelplineExternal Link o tumawag sa 1800 55 1800 – tulong sa mga bata at kabataan
  • Gamitin ang NURSE-ON-CALL – sa 1300 60 60 24 – para sa payo at impormasyon mula sa mga eksperto sa kalusugan
  • Tumawag sa Serbisyong Sanggunian ng Samahan ng mga Sikologo sa Australya (Australian Psychological Society Referral Service) – sa 1800 333 497
  • Bisitahin ang Safe StepsExternal Link o tumawag sa 1800 015 188 – upang humingi ng nakalaang 24/7 na tulong mula sa mga espesyalista sa karahasang pampamilya
  • Bisitahin ang Orange DoorExternal Link – mga suportang serbisyo para sa mga matatanda, bata at kabataan na nakararanas ng karahasang pampamilya
  • Bisitahin ang Mental Health & Wellbeing HubsExternal Link – o tumawag sa 1300 375 330 – mag-book ng isang harapang pakikipag-usap o sa pamamagitan ng telehealth para sa sinumang nakararamdam ng pagkagapi o nangangailangan ng tulong sa kalusugang pangkaisipan.

Para sa dagdag na suporta, bisitahin ang Suporta sa Kalusugang Pangkaisipan at Pangkagalingan (Mental health and wellbeing support)External Link

Kung kailangan mo ng interpreter, tumawag sa TIS National on 131 450

Ibang suporta

Maaari kang kumuha ng dagdag na mapagkukunang suporta sa Ingles sa pamamagitan ng mga link sa ibaba:

Magboluntaryo at mag-abuloy

Boluntaryo

Ang Australian Defence Force at Disaster Relief Australia (DRA)External Link ay tumutulong din sa pagbawi mula sa baha.

Kung nais mong mag-boluntaryo upang makatulong sa isang lokal na komunidad, mangyaring magparehistro sa Disaster Relief Australia websiteExternal Link

Mga Abuloy

Kung gusto mong tumulong sa mga naapektuhan ng mga baha, maaari kang mag-abuloy sa pamamagitan ng not-for-profit donation service GIVITExternal Link

Reviewed 06 January 2023

Was this page helpful?