JavaScript is required
A person in welding gear and helmet lights a torch in an industrial setting.

Sa Free TAFE magkakatotoo ang iyong pangarap – Free TAFE makes it real (Filipino)

Gawing karera ang iyong kinagigiliwang gawain sa pamamagitan ng Free TAFE.

Sa mahigit 80 na mga libreng kwalipikasyon na iniaalok sa 90 na paaralang TAFE na may modernong pasilidad sa buong Victoria, pinapadali ng Free TAFE ang pagkamit mo ng makabuluhang karera.
Mula sa Construction (Konstruksyon) hanggang Nursing (Narsing), ang mga kurso ng Free TAFE ay kaugnay sa mga industriya kung saan ang mga kasanayan ay hinahanap-hanap. Kaya ikaw ay may tiwalang makakamit mo ang anumang karerang gusto mo, magiging handa ka sa trabaho at in-demand sa iyong pagtatapos. At dahil mayroon kang magagaling na mga guro na may kasanayan at karanasan sa industriya, ikaw ay suportado upang magtagumpay.
• Ang impormasyon sa ibaba ay nagbibigay ng pangkalahatang pananaw sa programa ng Free TAFE and TAFE. Lahat ng mga link ay mayroong karagdagang impormasyong mababasa sa wikang Ingles.

Isang smarteng desisyon para sa karera

Alam mo ba na ang mga nagtapos ng TAFE ay kaparehas lamang ang pagkakataong makakuha ng trabaho gaya ng mga nagtapos ng pag-aaral sa pamantasan? Ang kwalipikasyon mula sa TAFE ay naghahanda sa iyo ng mga kasanayang praktikal at may kaugnayan sa industriya na pinahahalagahan ng mga taga-empleyo.

At itong mga kasanayan ay may potensyal para sa mas mataas na kita. Ang sahod ng mga nagtapos ng TAFE Certificate IV at mas mataas pang antas ay kumikita ng higit pa kaysa mga nagtapos ng Bachelor's degree sa pamantasan.

Ang Free TAFE ay nagbibigay sa iyo ng tunay na pagpipiliang trabaho at katatagan sa hinaharap

Anumang kurso ang pipiliin mo, may tiwala ka na ang iyong kwalipikasyon at kasanayan ay gagawin kang in demand. Kabilang sa mga kursong mapag-aralan ang:

  • Pagtutuos at Pamamahala ng kwenta (Accounting and Bookkeeping)
  • Pangangalaga sa Matatanda at mga Bata (Aged and Child Care)
  • Pagsasaka at Hortikultura (Agriculture and Horticulture)
  • Automotive at Inhinyeriya (Automotive and Engineering)
  • Pangkagandahan at Pag-aayos ng Buhok (Beauty and Hairdressing)
  • Pagtatayo ng Gusali, Konstruksyon at mga Hanapbuhay sa Gawaing Kamay (Building, Construction and Trades)
  • Edukasyon at Pagsasanay (Education and Training)
  • Pananalapi at Suporta sa Negosyo (Finance and Business Support)
  • Serbisyong Pangkalusugan at Pangkomunidad (Health and Community Services)
  • Hospitalidad at Turismo (Hospitality and Tourism)
  • Teknolohiyang Pang-impormasyon (Information Technology)
  • Narsing at mga Kaugnay na Serbisyong Pangkalusugan (Nursing and Allied Health)
  • Pag-aaral sa Beterinaryo (Veterinary Studies)

Bisitahin ang Why TAFE para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral sa TAFE.

Ang ibig bang sabihin ng Free TAFE ay lubos na walang babayaran sa pagkuha ng kurso?

Ang mga gastusin para sa bawat kurso ng TAFE ay may tatlong bahagi:

  • Course (tuition) fees - Matrikula o bayad sa pag-aaral
  • Student fees - Mga babayaran ng mag-aaral
  • Course Materials -mga mapagkukunang gamit sa kurso

Ang Free TAFE ay nangangahulugan na hindi mo kailangang magbayad ng matrikula.
Bawat kurso at mga TAFE ay maaaring may karagdagang mga babayarang student at course material fee na maaari mong tanungin mismo sa TAFE na plano mong pasukan. Upang matulungan ka sa mga karagdagang gastos na hindi kasama sa Free TAFE, maraming mga TAFE ang may mga student loan, payment plan o scholarship. Makakuha ng karagdagang impormasyon sa website ng bawat TAFE.

Maaari bang mag-aplay ang mga asylum seekers sa Free TAFE?

Oo. Ang programang Asylum Seeker Vocational Education and Training (ASVET) ay nagbibigay sa mga kwalipikadong asylum seeker na nabigyan ng temporary residence visa at hindi kabilang (exemption) sa karaniwang kriterya ng pagkamamamayan (citizenship) o pagkaresidente upang makapasok sa isang kurso sa Free TAFE.

Marami pang impormasyon tungkol sa kwalipikasyon ng Free TAFE ang maaari mong makita dito sa: Free TAFE eligibility

Ang pagkatanggap sa mga kurso ng TAFE ay nangangailangan ng kakayahang bumasa, magsalita, sumulat at makaintindi ng Ingles. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa pagsisimula ng bawat kurso ay makikita sa mga website ng TAFE.

Bisitahin ang pahinang About Free TAFE para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangang kwalipikasyon.

Gusto mong malaman kung ikaw ay kwalipikado?

Alamin kung sino ang maaaring makakuha ng Free TAFE sa Victoria, kasama ang mga kwalipikasyon para sa mga residente, asylum seeker, at mga mapagpipilian para sa pagkumpleto ng maramihang mga kurso.

DAGDAGAN ANG KAALAMAN Free TAFE eligibility

Updated